Calendar
PCG-NY ibinahagii yaman ng pagkain, kultura ng Pinoy sa Int’l Food Festival


ANG Konsulado ng Pilipinas sa New York ay nagpamalas ng yaman ng pagkain at kultura ng Pilipinas sa 5th International Food Festival noong Nob. 24 sa Turkish House..
Ang event ay sama-samang inorganisa ng Society of Foreign Consuls in New York (SOFC) at Consulate General ng Republika ng Türkiye sa New York.
Nasiyahan ang mga panauhin sa pusit sisig, turon, at ube cheese pandesal, na sinabayan ng mga juice na gawa sa mangga at calamansi.
Ipinakita naman ng Cebu Inc. Tribu Cebuano ang masiglang rhythms at makukulay na tradisyon ng sayaw na Sinulog sa harap ng mga dayuhang manonood.
Ipinagdiwang ng Konsulado ang pagkakaiba-iba ng mga kultura, isinulong ang pagpapahalaga sa pamana ng Pilipinas at pinagtibay ang pagkakaibigan sa loob ng internasyonal na komunidad ng mga konsulado sa New York.

