Phivolcs

Abra niyanig ng magnitude 4.1 lindol

145 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.1 ang yumanig sa Abra umaga ng Sabado, Nobyembre 26.

Batay sa impormasyong inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang lindol alas-4:15 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay siyam na kilometro sa kanluran ng bayan ng Lagayan at may lalim na limang kilometro.

Naramdaman ng Intensity IV sa Bangued, Dolores, Lagayan, at San Juan, sa probinsya ng Abra.

May naitala namang Intensity I sa Vigan City, Ilocos Sur.