Kalayaan Island Inihain ng mga staff ni Palawan 3rd Cong. Edward Hagedorn sa Bills and Index Division ng Kamara ang panukalang batas nito para ideklara bilang marine protected area ang paligid ng Kalayaan Island.

Pagdeklara ng paligid ng Kalayaan Island bilang marine protected area iminungkahi

Mar Rodriguez Nov 26, 2022
199 Views

Kalayaan Island

Kalayaan IslandNAIS ng isang kongresista na mapangalagaan ang paligid ng Kalayaan Island Group sa Scarborough Shoal. Kaya isinulong nito ngayon ang isang panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong protektahan ang nasabing lugar bilang “Marine Protected Area”.

Inihain ni Palawan 3rd Dist. Cong. Edward S. Hagedorn ang House Bill No. 6373 na ang panunahing layunin ay mai-deklara ang tinatawag na “low-tide elevations” at “high-tide features” at Kalayaan Group kabilang na ang Scarborough Shoal bilang isang “Marine Protected Area”.

“We must learn to cooperate as one region in the protection of our natural resources while we settle the territorial disputes in the West Philippine Sea. The protection of the rich marine resources and environment of the West Philippine Sea is a shared interest and responsibility all adjoining states around the Siuth China Sea which should be guiding policy for all of us in the region,” sabi ng mambabatas.

Ipinaliwanag ni Hagedorn na ang proteksiyon sa ating kalikasan at natural resources sa paligid ng West Philippine Sea ang kinakailangang maging priority ng pamahalaan.

Sinabi ni Hagedorn na layunin din ng isinulong niyang panukalang batas na lalo pang paigtingin ang proteksiyon para preservation ng mga coral reef at iba pang mahahalagang marines resources sa Kalayaan Group.

“House Bill No. 6373 is seen to strengthen the protection and preservation of the atolls, coral reef and other vital marine resources in the said area,” ayon kay Hagedorn.