DOH

8k nahawa ng COVID mula Nobyembre 21-27

211 Views

UMABOT sa 8,032 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 mula Nobyembre 21 hanggang 27, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay bahagyang mas marami sa 8,004 na naitala mula Nobyembre 14 hanggang 20.

Nadagdagan naman ng 120 ang bilang ng mga nasawi pero 17 lamang dito ang namatay sa nakaraang dalawang linggo. Ang iba ay mula sa mga buwan mula noong Hulyo 2020 at hindi lamang kaagad nai-report sa DOH.

Nasa 73.5 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Nasa 20.7 milyon naman ang nakapagpabakuna na ng booster shot.