Martin

Virology institute bill lusot na sa ikatlong pagbasa ng Kamara

213 Views

SA botong 216 pabor at walang tumutol, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang virology and vaccine institute bill.

Layunin ng House Bill (HB) 6452 na nagtatayo sa Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) na ihanda ang bansa sa mga paparating pang pandemya gayundin sa mga sakit na nakakaapekto sa hayop at halaman.

Nagpasalamat naman si Speaker Martin G. Romualdez, isa sa mga may-akda ng panukala, sa kanyang mga kasamahan sa pag-apruba sa panukala na isa sa mga prayoridad na maipasa ng Kongreso.

“What we learned from the last pandemic is that if a health crisis is in a scale that crosses international borders, we have to act fast and rely on our own resources. We need to respond to it effectively. A virology and vaccine institute can help us stop a deadly virus in its tracks,” sabi ni Romualdez.

Kasama ni Romualdez bilang may-akda ng panukala sina Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

“I also want to express appreciation to members of the House of Representatives for fast tracking the deliberations on an urgent measure that is considered a priority legislation by the administration of President Ferdinand Marcos Jr.,” dagdag pa ni Romualdez.

Ang VIP ang siyang mangunguna sa pagsasagawa ng masusing pag-aaral kaugnay ng mga virus at mga potensyal na disease-causing agent nito na nakakaaapekto sa tao, halaman, at hayop.