LPA posibleng maging bagyo

200 Views

ISANG low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang inaasahang magiging bagyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang LPA ay namataan 230 kilometro sa silangan ng Catbalogan City, Samar.

Magdadala ang LPA at shear line ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Bicol region at Eastern Visayas.

Inaasahan din ang pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Mimaropa, Caraga, Davao region, Northern Mindanao, at nalalabing bahagi ng Visayas.