Land Bank popondohan itatayong hydropower plant sa Bukidnon

162 Views

POPONDOHAN ng Land Bank of the Philippines ang pagtatayo ng 15-megawatt hydropower plant sa Bukidnon.

Nagkakahalaga ng P2.6 bilyon ang proyekto na naglalayong dagdagan ang suplay ng kuryente gamit ang renewable energy.

Ayon sa Land Bank pumirma ito ng loan agreement kasama ang Cabanglasan Hydropower Corp. (CHC), isang subsidiary ng Tiu-led Repower Energy Development Corp. (REDC).

Ang hydropower plant ay itatayo umano sa bahagi ng Pulangi River sa Barangay Lumbayao, Valencia City.

Kapag natapos sa 2025, ang planta ay inaasahang makakapagsuplay ng kuryente sa may 130,000 kabahayan sa 15 munisipyo ng probinsya.