Department of Health

148k edad 5-11 nabakunahan na vs COVID-19

254 Views

UMAKYAT na sa 148,615 bata na edad 5-11 ang nabakunahan na laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa naturang bilang, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walo ang nakaranas ng mild reaction sa gamot gaya ng pagkakaroon ng pantal, pangangati ng lalamunan, pananakit ng ulo at pagsusuka.

Noong nakaraang linggo sinimulan ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga edad 5-11. Nanawagan si Vergeire sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga kuwalipikadong anak upang maiwasan ang severe symptoms sakaling mahawa ng COVID-19 ang mga ito.

Iba ang formulation ng bakuna na ginagawa sa naturang age group kumpara sa ginagawa sa mga 12-taong gulang pataas.

Umakyat naman sa 9.3 milyon ang bilang ng mga edad 12-17 na nabakunahan na laban sa COVID-19.