Herbosa

DBP chief Herbosa suportado Maharlika bill

210 Views

ISANG beteranong bangkero ang dumagdag sa mga business leader na nagpahayag ng suporta sa panukalang sovereign wealth fund.

Ayon kay Emmanuel G. Herbosa, ang pangulo at chief executive officer ng Development Bank of the Philippines, mahalaga na mapalawak ang pamumuhunan lalo na sa pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, enerhiya, agro-industrial venture, telekomunikasyon, pampublikong imprastraktura, at toll road network na mayroong malaking socio-economic impact.

“From my personal standpoint, the creation of a SWF is a superb opportunity to address the dearth in sources of long-term capital which is integral to support these capital intensive investments,” sabi ni Herbosa.

Ayo kay Herbosa ang layunin ng panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) ay hindi nalalayo sa polisiyang sinusunod ng DBP na tumulong sa pagpapalakas ng ekonomiya at suportahan ang nangangailangang sektor.

Ang panukalang MIF ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bago nagsimula ang Christmas break nito. Pumabor dito ang 90 porsyento ng mga kongresista.

Bago inaprubahan ay dumaan ito sa masusing deliberasyon at ipinasok ang mga probisyon upang mas lalo pang mapaganda ang panukala at matiyak na hindi ito magagamit sa katiwalian.

Ayon kay Herbosa ang pagpasok ng mga dagdag na safeguard gaya ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng Commission on Audit (COA) na himayin ang mga transaksyon ng Maharlika Investment Council na siyang mangangasiwa sa pondo, bukod pa sa external at internal auditor na susuri rito ay tugon sa pangamba ng marami na maabuso lamang ang pondo.

“At this juncture it’s best that we allow the bill to take its proper course in the legislative mill as I believe this would lead to a solid and watertight law in view of the purification and purging process that it underwent,” dagdag pa ni Herbosa.

Ang panukala ay sinertipikahan ng Malacañang at inaasahang uumpisahan ng talakayin ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa Enero.