Speaker Romualdez: Magpasalamat sa biyaya, tumulong sa nangangailangan

206 Views

PANALANGIN ni Speaker Martin G. Romualdez na tumulong sa mga nangangailangan ang mga taong nakatanggap ng biyaya ngayong Kapaskuhan.

Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Romualdez na makabubuti kung gagamitin ang natanggap na biyaya para pasayahin ang iba.

“I pray that we all share the blessing we receive this Christmas and offer a generous hand to those who need our help. Let us help brighten the lives of those whose Christmas may not be as glowing and as cheerful as ours,” sabi ni Romualdez.

Ipinaalala rin ni Romualdez ang tunay na dahilan ng pagdiriwang, ang kapanganakan ni Hesus sa sabsaban may 2,000 taon na ang nakakaraan at nagdala ng pagmamahal at pag-asa sa mundo.

“In our festivities, let us remember the real reason for our celebration: the birth of our Savior, born in a humble manger over 2000 years ago, who brought love and hope into the world with His simple message of peace on Earth and goodwill to all mankind,” ani Romualdez.

Dapat din umanong ipagpasalamat na muli ng nakakapagdiwang ng Pasko matapos ang ipinatupad na paghihigpit sa mga nakalipas na taon dulot ng COVID-19 pandemic.

“Let us also give thanks that after three years of having to deal with the restrictions arising from the coronavirus pandemic, we can now celebrate and experience the joy of the Yuletide Season with a little more degree of freedom and openness,” dagdag ni Speaker Romualdez.

Binati rin ni Romualdez, kasama ang kanyang misis na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at kanilang pamilya, ang publiko sa pagdiriwang ng Pasko.

“With my wife Yedda and my family, I offer to all our best wishes as we celebrate the Christmas holidays with our loved ones,” sabi pa ni Romualdez. “May we all find joy in our hearts this season, and may peace and prosperity finally reign in our land. Merry Christmas, my friends, and Happy Holidays!”