Budget deficit lumiit

125 Views

LUMIIT ang budget deficit ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Bureau of Treasury (BTr) ang budget deficit ng bansa noong Nobyembre ay P123.9 bilyon bumaba ng 3.71 porsyento o halos P5 bilyon kumpara sa kaparehong buwan noong 2021.

Mula Enero hanggang Nobyembre ang budget deficit ng bansa ay P1.2 trilyon o mas mababa ng P96.3 bilyon kumpara sa unang 11 buwan ng 2021.

Nakakolekta naman umano ang gobyerno ng P331.1 bilyon noong Nobyembre mas mataas ng P47 bilyon kumpara sa kaparehong buwan noong 2021.

Sa unang 11 buwan ng 2022 ay umabot na sa P3.3 trilyon ang nakolekta ng gobyerno mas mataas ng P503.1 bilyon kumpara sa koleksyon sa unang 11 buwan ng 2021.