Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Showbiz
Panawagan ng influencer, natupad
Vinia Vivar
Jan 3, 2023
887
Views
Bongga ang media influencer na si Whamos Cruz dahil sinagot ni Bataan District 1 Representative Geraldine Roman ang panawagan niya na maging ninang ng kanyang anak.
“Gusto kitang maging kumare, bilang ninang ng ipapanganak pa lang na anak ko,” panawagan ni Whamos sa kongresista.
Matagal na palang sinusundan ni Whamos at ng partner niya na si Antonette Gail ang mga post ng politiko.
“Gustung-gusto ko ang mga sinasabi niya, pati na ang mga payong ibinibigay niya,” lahad ni Whamos.
Ipinakiusap pa niya sa kanyang followers na i-tag ito upang makarating dito ang kanyang panawagan.
Nakarating nga at dininig naman ang hiling ng mag-asawa. Naganap ang kanilang masayang pagtatagpo na mapapanood sa Geraldine Romantik sa YouTube.
Miss Earth Indonesia 2025 pumanaw sa edad 25
Aug 16, 2026
Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Aug 15, 2026

