PRO-4A: Mga kriminal walang puwang sa Calabarzon
Nov 2, 2026
Calendar
Metro
P1.36M shabu idineklarang massager
Peoples Taliba Editor
Jan 17, 2023
567
Views
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang package na naglalaman umano ng P1.36 milyong halaga ng shabu.
Ayon sa mga otoridad idineklara na Deep Tissue Massager ang package na nanggaling sa South Africa. Idinaan umano ito sa DHL delivery service.
Naaresto naman ang consignee ng package sa isinagawang controlled delivery operation noong Enero 12 sa Dasmarinas City, Cavite.
Dumating umano ang package noong Disyembre 28, 2022 sa Port of NAIA.
Nang suriin ay nakita umano sa loob ang 200 gramo ng white crystalline substance na natukoy na shabu sa isinagawang laboratory testing.
ANICETE: KULUNGAN MALUWAG PA PARA SA MGA KAWATAN
Nov 1, 2026
Brgy lider sumama sa cleanup drive sa Malate
Nov 1, 2026

