DepEd

DepEd ikinabahala pananaksak ng estudyante sa ka-eskuwela

87 Views

Ikinalungkot at ikinabahala ng Department of Education-National Capital Region ang pananaksak ng isang estudyante sa kanyang ka-eskuwela sa loob ng paaralan sa Quezon City.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang DepEd-NCR sa pamilya ng nasawing estudyante.

“We are deeply saddened and disturbed that violent incident such as this happened among our students inside the school which is supposed to be a safe place,” sabi ng pahayag ng DepEd-NCR.

Sinaksak ng menor de edad na estudyante ang kanyang ka-eskuwela sa loob ng Culiat High School sa Quezon City alas-5:45 ng umaga ng Biyernes, Enero 20.

Tinawag umano ng salarin ang biktima at agad itong inundayan ng saksak. Nag-ugat umano ang pananaksak sa pambu-bully ng biktima sa syota ng salarin.

Nasa kustodiya ng otoridad ang salarin.