BBM

E-vehicle hindi muna papatawan ng buwis

181 Views

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pansamantalang hindi pagpapataw ng buwis sa mga inaangkat na electronic vehicle at mga spare part nito.

Ang Executive Order (EO) No.12, na pinirmahan noong Enero 13, ay naglalayon umano na suportahan ang “cleaner and greener transportation option”.

“The state has the paramount obligation to protect the health and well-being of the people from hazards of pollution and greenhouse gases,” sabi pa ng EO.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Palasyo, ang transportation sector ang isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng air pollution at energy-related greenhouse gas emissions sa bansa na nasa 34 porsyento.

Noong Nobyembre 24, 2022 ay inendorso ng Board ng NEDA ang pansamantalang pag-alis sa buwis na ipinapataw sa Most-Favored Nation (MFN) tariff rate sa mga e-vehicles at piyesa para rito. Nina RYAN PONCE PACPACO & ROY PELOVELLO