DepED

Palarong Pambansa gagawin sa Marikina

198 Views

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na sa Marikina City isasagawa ang Palarong Pambansa ngayong taon.

Batay sa DepEd Memorandum No.005, s.2023, ang Palarong Pambansa ay isasagawa mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5.

Ayon sa ahensya, ang Palaro ay lalahukan ng 17 DepEd Regional Athletic Associations.

Batay sa schedule na inilabas sa Memorandum, ang Division Meet ay isasagawa mula Pebrero 6 hanggang 10.

Ang Regional Meet ay mula Abril 24 hanggang 28 at susundan ito ng Clustered Pre-National Qualifying Meet mula Hulyo 17 hanggang 21.

Itinigil ng DepEd ang pagdaraos ng Palaro noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.