P10.4M halaga ng ketamine itinago sa massager

152 Views

NAREKOBER ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Clark ang P10.36 milyong halaga ng ketamine na itinago sa loob ng tatlong acupoint massage twisters upang maipuslit sa bansa.

Naaresto rin ng mga otoridad ang kumuha ng package na naglalaman ng ketamine sa Pasig City.

Ang package ay idineklara umanong “fitness expander, massage twister, trimmer, push-up bar, yoga block” at dumating sa bansa noong Enero 30 mula sa Putrajaya, Malaysia.

Isinailalim umano sa x-ray scanning ang package at doon nakita ang kahina-hinalang laman nito.

Nang buksan ay nakita ang ketamine na tumitimbang ng 2,072 gramo.