PCG

P2.1M halaga ng smuggled na sigarilyo naharang sa Dipolog

Alfred Dalizon Feb 21, 2023
210 Views

NAHARANG ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang P2.1 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Galas Feeder Port sa Dipolog City, noong Pebrero 20.

Itinago umano ang mga sigarilyo sa loob ng paglagyan ng bigas at na-detect sa tulong ng Coast Guard K9 Force.

Bukod sa mga sigarilyo, ibinigay ng PCG sa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC) ang trak na pinagsakyan ng mga sigarilyo.