DepEd kinondena pagpasok ng mga armadong lalaki sa eskuwelahan sa Masbate

144 Views

KINONDENA ng Department of Education (DepEd) ang pagpasok ng mga rebelde sa Masbate na nakagambala sa pag-aaral ng mga estudyante sa isang paaralan doon.

Ayon sa DepEd nagdulot ng trauma sa mga mag-aaral at tauhan ng paaralan ang ginawang ito ng New People’s Army (NPA).

Inatasan na ng DepEd ang Regional Office V at SDO Masbate upang tiyakin na makapagpapatuloy sa pag-aaral ang mga estudyante. Kung kakailanganin ay maaari umanong gumamit ng ibang learning modality bukod sa pagsasagawa ng face-to-face classes.

Nakipag-ugnayan na si Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa Army Division Commander sa lugar upang maproteksyunan ang mga school personnel at mga mag-aaral sa lugar.