Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
Overstaying na Nigerian nahuli ng BI
Peoples Taliba Editor
Mar 28, 2023
617
Views
NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian na overstaying na umano sa bansa.
Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang Nigerian na si Felix Briggs, 32-taong gulang. Siya ay nahuli sa isang condominium sa Pasig City.
Ayon kay Tansingco si Briggs ay naaresto 15 buwan makalipas na ipag-utos ng BI Board of Commissioners ang pagpapa-deport sa kanya dahil sa overstaying na ito.
“We call on other foreigners who are wanted for deportation by our Bureau. Stop hiding because the long arm of the law will catch you sooner or later,” sabi ni Tansingco.
Si Briggs ay isinama na rin sa blacklist o listahan ng mga foreigner na hindi pinapayagan sa bansa.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

