Calendar
SFMR sa mga otoridad, PNP, PCG: Gampanan mabuti ang inyong trabaho ngayong Semana Santa
Para iwas sakuna ang publiko
“PAALALA natin na masusing iniinspeksyon ng mga pulis ang mga public transport bago umalis ng terminal to check if safe ito bumiyahe. Gampanan ng mabuti ang inyong mga trabaho ngayong Semana Santa para iwas sa sakuna ang taumbayan.”
Ito ang paalala ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Philippine National Police,Philippine Coast Guard at iba pang otoridad ngayong long weekend dahil sa Holy Week.
Aniya, “napapansin ko kasi na tuwing may mahabang bakasyon hindi maiwasan ang mga aksidente sa lansangan at sa ating karagatan”.
“Paalala natin na masusing iniinspeksyon ng mga pulis ang mga public transport bago umalis ng terminal to check if safe ito bumiyahe,” ayon sa kay Speaker Romualdez.
“Ang ating Coast Guard personnel naman dapat tiyakin na hindi overloaded ang mga sasakyang pantubig at dapat may mga life vests,” dagdag pa ng mambabatas.
“Accidents can be prevented kung uunahan ng mga maintenance at inspeksyon,” dagdag ni Romualdez.
“Dapat wala na o mabawasan ang mga sakuna pag ganitong panahaon dahil we have this long Semana Santa break every year,” pahabol ni Romualdez.