Calendar
Chinese envoy kakausapin ni PBBM
KAKAUSAPIN umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Ambassador ng China sa bansa na si Huang Xilian kaugnay ng mga pahayag nito laban sa pagpaparami ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa bansa.
“I’ll be talking to the Ambassador soon. And I’m sure he will be… I’m sure he’ll be very anxious to give his own interpretation of what he was trying to say,” ani Pangulong Marcos.
“We were all a little surprised, but I just put it down to the difference in language,” sabi pa ng Pangulo.
Hindi naman inaalis ng Pangulo na maaaring mali ang intindi si Huang sa kanyang pahayag.
“English is not his first language, but I’m very interested to know what it is that he meant,” dagdag pa ng Pangulo.
Nauna ng sinabi ni Huang na dapat tutulan ng Pilipinas ang “Taiwan independence” alang-alang sa 150,000 Pilipino na nagtatrabaho roon.
Ang Taiwan ay probinsya ng China.
Ang pagpaparami ng EDCA ay sinasabing bahagi ng hakbang ng Estados Unidos upang matulungan ang Taiwan.