Calendar
Mataas na rating ni Speaker Romualdez, pagpapahalaga ng publiko sa ginagawa ng Kamara
ANG mataas na rating umano ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay isang patunay na nakikita ng publiko ang kahalagahan ng ginagawa ng Kamara de Representantes.
Ito ang sinabi ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. matapos makapagtala ng mataas na performance at trust rating si Speaker Romualdez sa 2023 first quarter survey ng OCTA Research.
“I think this is largely the reason behind the high public approval ratings of the Speaker, besides his strong but compassionate leadership,” ani Gonzales na kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga.
Sinabi ni Gonzales na nakikita rin ng publiko ang malaking suporta ni Speaker Romualdez sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“We in the House have approved majority of the administration’s priority measures, starting with the 2023 national budget. The House is the chamber that principally allocates the budget, and we hope that the people feel the impact and benefits of projects, programs and activities we fund in the national spending program,” sabi pa ni Gonzales.
Iniugnay din ni Gonzales ang malaking suporta kay Speaker Romualdez sa pagsusulong nito na maamyendahan ang mga probisyon ng Konstitusyon na naglilimita sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansa. Si Gonzales ay isa sa mga may-akda ng panukala na amyendahan ang Konstitusyon.
“I think there is sizable public backing for our initiative that is focused on changing the language of the economic provisions so there would be flexibility in attracting more foreign capital that would create more income and job opportunities for our people,” dagdag pa ni Gonzales.
Sa Tugon ng Masa first quarter 2023 survey of Octa Research, nakakuha ng mataas na trust rating si Pangulong Marcos (83%), Vice President Sara Duterte (87%), Senate President Juan Miguel Zubiri (50%), Speaker Romualdez (55%), at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo (39%).
Sa kaparehong survey mataas din ang satisfaction rating na naitala nina Pangulong Marcos (80%), Duterte (84%), Zubiri (53%), Speaker Romualdez (59%), at Gesmundo (41%).