Carunungan

Implementasyon ng single-ticketing simula na

182 Views

SIMULA sa Mayo 2 ay ipatutupad na ang single ticketing system sa National Capital Region (NCR) para sa mga lalabag sa batas trapiko.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Melissa Carunungan unang ipatutupad ang bagong sistema sa Manila City, Quezon City, Parañaque City, Muntinlupa City, Caloocan City, Valenzuela City, at San Juan City.

Susunod na umano ang iba pang lokal na pamahalaan sa NCR at papalawigin ito sa iba pang rehiyon.

Sa ilalim ng bagong sistema ay magiging pare-pareho na ang multa na mula P500 hanggang P10,000 depende sa traffic violation.

Ang multa ay maaaring bayaran sa pamamagitan ng GCash, Maya, at Landbank.