bucor

Dalaw sa 2 pasilidad ng BuCor tigil muna

Hector Lawas May 5, 2023
138 Views

IPINATIGIL muna ang pagbisita sa mga preso sa dalawang pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa BuCor, 75 preso o persons deprived of liberty (PDL) ay naka-isolate matapos na makitaan ng sintomas ng COVID-19. Sila ay nasa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong at New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Ang lima pang piitan ng BuCor ay nananatili umanong COVID-free.