Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla

Bill ni Robin hihigpitan batas vs Illegal recruitment syndicates

184 Views

UPANG protektahan ang mga overseas Filipino workers sa illegal recruitment at human trafficking, ihinain ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang Senate Bill 2216 para tiyaking mas mahigpit ang batas laban sa mga sindikatong sangkot sa gawaing ito.

Layon ng panukalang batas na amyendahan ang Art. 38 (b) ng Presidential Decree 442 (Labor Code of the Philippines) at Section 6 ng Republic Act 8042, ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Sa kanyang panukalang batas, iginiit ni Padilla na pasok na sa “illegal recruitment committed by a syndicate” kung dalawang tao – sa halip ng kasalukuyang tatlo – ang nagkuntsabahan para gawin ang krimeng ito.

“The current definition of illegal recruitment fails to capture the severity of the crime when committed by syndicates and on a large scale. The proposed amendments expand the definition to include illegal recruitment committed by a group of two or more persons conspiring and/or confederating with one another in carrying out any unlawful or illegal transaction, enterprise or scheme, instead of the original stringent three-person requirement,” ani Padilla sa panukalang batas niya.

Aniya, kung maging batas ang kanyang panukala, magiging mas ligtas at patas ang pagre-recruit ng mga Pilipino para sa trabaho sa ibayong dagat.

Umaasa si Padilla na sa pagpasa ng panukalang batas, mapapalakas ang proteksyon sa manggagawang Pilipino, mapipigilan ang economic sabotage, at maisusulong ang economic development ng bansa.

“It affirms our unwavering commitment to safeguard the rights and welfare of our workers, making our legal frameworks adapt and respond to the changing landscape of labor migration,” aniya.