Martin2

Prosekusyon ng illegal recruiter padadaliin—Speaker Romualdez

161 Views

UPANG mas maproteksyunan ang mga nais magtrabaho sa ibang bansa, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na naglalayong padaliin ang prosekusyon ng mga illegal recruiter.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa House Bill 7718 na inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa, gagawin na lamang dalawa mula sa tatlo ang mga suspek na kailangan upang masabing ang illegal recruitment ay ginawa ng isang sindikato.

“We see this proposed law as an added protection for our hardworking OFWs and an effort to strengthen further our efforts in deterring illegal recruitment and giving justice to OFWs who fall prey to illegal recruitment,” sabi ni Speaker Romualdez.

Dahil dalawang suspek na lamang ang kailangan, sinabi ni Speaker Romualdez na mas madaling patunayan ang kaso laban sa kanila. At dahil gawa ng sindikato ang parusa ay mas mabigat din.

“With House Bill 7718, we hope to fight the crime of illegal recruitment further and make it easier for government prosecutors to file and prosecute the crime of illegal recruitment committed by a syndicate in the case of non-licensees or non-holders of authorities, as two or more persons conspiring or confederating with one another would be sufficient,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ang parusa sa illegal recruitment ay 12 taon at isang araw hanggang 20 taong pagkakakulong at P1 milyon hanggang P2 milyong multa.

Kung ang illegal recruitment ay itinuturing na economic sabotage, ang parusa ay habambuhay na pagkakakulong at multang P2 milyon hanggang P5 milyon.

Ang illegal recruitment na ginawa ng sindikato ay ikinokonsiderang economic sabotage.