Martin1

Speaker Romualdez: Panukalang nagpapatawad sa utang ng magsasaka malaking tulong

145 Views

MALAKI umano ang maitutulong sa paglaki ng kita ng mga magsasaka at sa pagpaparami ng produksyon ng pagkain sa bansa ng panukala na magpapatawad sa utang ng mga agrarian reform beneficiaries (ARB), ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ang naturang panukala ay inaprubahan ng Kamara de Representantes noong Disyembre 12, 2022 at naipasa naman ito ng Senado noong Marso 6, 2023. Inaantabayan na ang pagpirma rito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas.

Ang panukala ay kabilang sa prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC).

Sa kabuuan ay 31 sa 42 prayoridad na maipasa ng LEDAC ang natapos na ng Kamara wala pang isang taon mula ng umupo ang administrasyong Marcos.

“When our farmers are freed from the burden of debt, they would be able to invest more in their land and improve their productivity. This can lead to better yields and profits, which can help improve the lives of our farmers and their families,” ani Speaker Romualdez.

“This relief to hundreds of thousands of agrarian reform beneficiaries gains even more significance now that we are facing the twin challenges of increased prices of farm inputs, particularly fertilizers, and the harmful effects of climate change on the agriculture sector,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sa ilalim ng panukala ay mabubura ang P57.557 bilyong utang ng 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARB) na nagsasaka ng kabuuang 1,173,101.57 hektarya ng agrarian reform land.

Ang mga lupa na nakuha mula sa agrarian reform ay binabayaran ng mga magsasaka subalit dahil sa hirap ng buhay ay marami ang hindi nakakapagbayad.

“This measure would complement the various programs and assistance to our farmers the Department of Agriculture is implementing to uplift the lives of our farmers,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

“We need to provide our farmers all the support we can to promote increased productivity and help us attain food security. The House of Representatives will continue to explore more avenues to revitalize our agriculture sector,” sabi pa nito.

Bukod sa pagpasa ng batas, nagsasagawa tin ng pagdinig ang Kamara upang matugunan ang mga isyung nakakaapekto sa publiko gaya ng pagtaas ng presyo ng sibuyas sa P700 kada kilo noong nakaraang taon.

Batay sa mga nakalap na ebidensya ng House Committee on Agriculture and Food mayroong kartel na kumontrol sa suplay ng sibuyas kaya tumaas ang presyo nito.

Nanawagan si Speaker Romualdez sa National Bureau of Investigation, Philippine Competition Commission, at Department of Agriculture na sundan ang naumpisahan ng komite upang mapanagot ang mga nasa likod ng kartel na nagpahirap sa publiko.