Remulla

Paglipat ng kaso ni Teves sa Ombudsman malabo

Hector Lawas Jun 22, 2023
191 Views

MALABO umano ang nais ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na alisin sa Department of Justice (DOJ) ang kinakaharap nitong kasong multiple murder at ilipat sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang mga hukom lamang ang maaaring palitan kapag mayroong naghain ng motion of inhibition.

“We are not judges,” ani Remulla.

Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa. Itinatanggi ng kongresista ang alegasyon.

Naghain ang abugado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio ng motion for inhibition at Ipinalilipat sa Ombudsman ang pagdinig ng kanyang kaso.

Sinabi ni Topacio na nababahala ang kanilang kampo dahil hindi sila makakakuha ng patas na laban kahit na sinong piskal ng DOJ ang humawak dito dahil sa mga naunang pahayag ni Remulla.

“Perhaps, there may be some shred of decency and fair play in the secretary, that he refers it to the Ombudsman since we have grounds to conduct a preliminary investigation under the law,” ani Topacio.

SI Teves ay hindi pa umuuwi sa bansa.