Yedda

Rep. Yedda Romualdez pinangunahan pamamahagi ng cash assistance sa QC

117 Views

PINANGUNAHAN ni House Committee on Accounts chairperson at Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez ang pamimigay ng financial assistance sa mga residente ng Quezon City.

Iginiit ni Rep. Romualdez ang kahalagahan ng pagtutulungan upang malagpasan ang mga kinakaharap na hamon.

Nagkakahalaga ng tig-P3,000 ang ipinamigay sa may 1,000 residente ng ikaanim na distrito ng lungsod Quezon sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nakasama ni Rep. Romualdez si QC Rep. Marivic Co Pilar at mister nitong si Qc Councilor Banjo Pilar.

Pinangunahan din ni Rep. Romualdez ang ribbon-cutting ceremony sa district office ni Rep. Co Pilar.

Ayon kay Rep. Romualdez malaki ang naitutulong ng mga district office upang makarating sa publiko ang tulong na hatid ng gobyerno.

Dumalo rin sa pagtitipon ang mga kapitan ng iba’t ibang barangay.