Tingog Si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez kasama ang 48 bagong kasal kung saan tumayo siyang ninang sa “63rd Pa-Wedding ni Tambunting” na ginanap sa Activity Area, G/F SM City Bicutan, Brgy. Don Bosco sa Parañaque City noong Sabado ng umaga. Kuha ni MIKO NOVENO

Rep. Romualdez ibinahagi sekreto para magkaroon ng ‘forever’

76 Views

NAGNINANG si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa 48 bagong kasal sa “63rd Pa-Wedding ni Tambunting” na ginanap sa Activity Area, G/F SM City Bicutan, Brgy. Don Bosco sa Parañaque City noong Sabado ng umaga.

Sa kanyang mensahe, binati ni Romualdez, Chairperson ng House Committee on Accounts, ang mga bagong kasal at ninais na maging mahaba at masaya ang kanilang pagsasama.

Binigyan-diin ni Romualdez ang kahalagahan na panatilihin ang respeto sa isa’t isa, patuloy na pangalagaan ang isa’t isa at panatiling lumalagablag ang pag-ibig patungo sa kanilang forever.

Sinabi ni Romualdez na ikinagagalak nitong maging bahagi ng isang importanteng bahagi sa buhay ng 48 bagong kasal.

Si Parañaque City 2nd District Rep. Gus S. Tambunting at kanyang misis na si dating Rep. Joy Myra S. Tambunting, at Parañaque City Mayor Eric L. Olivarez ay dumalo rin sa naturang pagtitipon.

Ang “Pa-Wedding ni Tambunting” ay isang proyekto ni Rep. Gus Tambunting na kanyang sinimulan noong siya ay konsehal pa lamang sa tulong ng kanyang misis.

Kalimitang ginagawa ang kasalang-bayan tuwing huling Sabado ng buwan upang tulungan ang mga mag-asawa na walang perang pampakasal lalo na ang mga nagsasama ng hindi kasal.

Ang kasalang-bayan ay pinangasiwaan ni Mayor Olivarez.