DOLE

Mga pribadong empleyado sa NCR may P40 umento sa arawang sahod

155 Views

MAY dagdag na P40 ang minimum wage sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Labor of Employment (DOLE).

Ang pagtataas ay nakalagay sa NCR-Regional Wage Board issued Wage Order No. NCR-24 na may petsang Hunyo 26, 2023.

Ilalathala ang kautusan sa pahayagan sa Hunyo 30 at magiging epektibo makalipas ang 15 araw.

Ang pagtataas ay para sa mga empleyado sa pribadong kompanya.

Sa kasalukuyan ang daily minimum wage sa NCR ay P570 para sa non-agricultural sector at magiging P610 na kapag naipatupad na ang pagtataas.

Para sa mga empleyado sa agriculture sector, service, at retail company na ang empleyado ay hindi hihigit ng 15, gayundin ang mga manufacturing company na hindi hihigit sa 10 ang empleyado, ang minimum wage ay magiging P573 mula sa P533.

Huling nagpatupad ng pagtataas sa sahod sa NCR noong Mayo 13, 2022.