Valeriano

Valeriano tiwala na kayang hubaran ng maskara ang mga sindikato ng agricultural smuggling

Mar Rodriguez Jul 7, 2023
179 Views

TIWALA ang isang Metro Manila Congressman na kayang hubaran ng maskara ng Department of Justice (DOJ) ang mga sindikato sa likod ng agricultural smuggling sa bansa kasunod ng pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga promotor ng price hoarding ng mga nasabing produkto.

Sinang-ayunan ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ang naging direktiba ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para imbestigahan ang mga salarin sa likod ng price manipulation ng mga produktong agrikultura alinsunod naman sa natuklasan ng House Committee on Agriculture and Food.

Dahil dito, naniniwala si Congressman Valeriano na bunsod ng naging kautusan ng Pangulong Marcos, Jr. ay agarang kikilos ang mga awtoridad sa pangunguna ng DOJ at National Bureau of Investigation (NBI) para mapanagot ang mga itinuturong salarin sa kontrobersiyal na price hoarding ng mga agricultural products.

Sinabi din ni Valeriano na bagama’t may ilang personalidad na ang nahubaran ng masakara sa isinagawang imbestigasyon ng House Committee on Agriculture and Food. Subalit may ilan pa rin ang kasalukuyang nagpapatuloy sa pagma-manipula sa presyo ng mga nasabing produkto.

Bunsod nito, umaasa si Valeriano na sa pamamagitan ng kapangyarihan at kakayahan ng Justice Department. Tuluyang makikilala at masasampahan ng kaso ang mga taong nasa likod ng price manipulation partikular na sa presyo ng sibuyas na lalong nagpapahirap sa mga magsasaka at mga mamimili.

“Let us hope that this time, the culprits will be prosecuted. Some of them have been named, but there are others who remain enjoying being unknown. We hope the DOJ, by its powers and capabilities can identify them and bring them to justice without compromise,” Ayon kay Valeriano.

Ikinagalak naman ni Cavite 4th Dist. Congressman Elpidio “Pidi” F. Barzaga, Jr. ang ibinigay na kautusan ni President Bongbong Marcos, Jr. sa Justice Department at NBI upang masusing imbestigahan ang hoarding, smuggling at price manipulation sa presyo ng sibuyas at iba pang produktong agrikultura.

Ayon kay Barzaga, sa pamamagitan ng nasabing direktiba. Ipinapakita lamang ng Chief Executive na seryoso siyang sawatain at puksain ang sindikato ng agricultural smuggling sa bansa upang protektahan ang kapakanan at kagalingan o welfare ng mga magsasaka at mamimili.

“The President’s order for the DOJ and the NBI to launch and investigation into the hoarding, smuggling and price manipulation of agricultural products is a welcome development which comes in the wake of the House Committee on Agriculture and Food’s own investigation into the matter,” Sabi ni Barzaga.