BBM Presidential aspirant former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

BBM: Tiyakin mga Pinoy ay ligtas sa Ukraine

260 Views

NANAWAGAN si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng Pinoy na nagtatrabaho at nakabase sa Ukraine, kasabay ng ginawang pag-atake ng Russia sa nasabing bansa kabilang na ang capital city na Kyiv.

“We have to get our countrymen there out of harm’s way. Let’s not wait for the aggression to escalate further. The DFA (Department of Foreign Affairs) should speed up on the mass repatriation while we can still do so, especially with Russian forces allegedly targeting civilian areas,” ani Marcos.

Sa pinakahuling bilang ng DFA, may 260 Filipino ang naninirahan sa Ukraine.

Karamihan sa kanila ay mga overseas Filipino workers (OFWs) o di kaya naman ay may asawang Ukrainian sa Kyiv.

Ani Marcos, dapat ay ipatupad agad ang binalangkas na crisis management mechanisms at exit strategies na ginawa ng Philippine Overseas Labor Office.

Aniya maaaring mahihirapan na ang relokasyon para sa OFWs sa Ukraine sa mga kalapit na bansa dahil sa matinding labanan ngayon sa naturang bansa.

“Ngunit kung magiging maayos at maingat ang paglikas sa kanila, magtatagumpay ito alang-alang na rin sa kaligtasan ng ating mga kababayan na naroroon,” pahayag ni Bongbong.

Pinaulanan ng Russian missiles ang capital ng Ukraine matapos ipag-utos ni Russian President Vladimir Putin ang “full-scale ground invasion” at “air assault” noong nakalipas na Biyernes.

Ilang linggo rin ang girian ng dalawang bansa bago naganap ang labanan.

Pinapasuko na ni Putin ang Ukraine forces kasabay ng pagbibigay babala sa bansang Amerika at sa NATO na huwag manghimasok upang hindi na tuluyang dumanak ang dugo.