PAGASA

LPA sa loob ng PAR bagyo na

183 Views

NAGING isa ng bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang bagyo na may local name na Goring ay nasa Philippine Sea, may 400 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Mayroon itong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugso na hanggang 70 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Mabagal itong umuusad pa-kanluran hilagang kanluran.

Bukod sa bagyo, inaasahang makakaapekto sa bansa ang Hanging Habagat na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao