BBM

PBBM: Ilabas natatagong kabayanihan

Mar Rodriguez Aug 29, 2023
172 Views

HINAMON ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na ilabas at gamitin ang kanilang natatagong kabayanihan upang isulong ang pag-unlad ng bansa.

Sa pagdiriwang ng National Heroes Day, kinilala rin ni Pangulong Marcos ang mga bayani na nakipaglaban para sa kapakanan ng bansa kasama na ang mga hindi na nakilala subalit may papel na ginampanan sa paghubog ng Pilipinas.

“If all of this means anything, it is that each of us has the capacity to be a hero of our nation. Hence, on this year’s ‘National Heroes Day,’ I enjoin every Filipino across the globe to celebrate with a renewed understanding and sense of pride for the fortitude that is naturally abundant in our hearts as a people,” ani Pangulong Marcos.

“As we recognize our forebears whose uncelebrated legacies our society is built on, let us also realize our own power to become heroes for our families and communities. May this consciousness then ignite us to be dedicated in our agenda of creating a new Philippines that is strong, prosperous, resilient, and secure for present and future generations,” dagdag pa nito.

Sinabi ng Pangulo na hindi dapat malimutan ng mga Pilipino ang mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa na tinatamasa natin ngayon.

Ang pagdiriwang ng National Heroes Day ay nagsimula noong American Colonial period alinsunod sa Act No. 3827 na naisabatas noong Oktobre 28, 1931. Idineklara noon ang huling Linggo ng Agosto ng bawat taon bilang national holiday.

Noong Marso 20, 1942, pinirmahan ni dating Pangulong Jose P. Laurel ang Executive Order No. 20 na nagtatakda sa National Heroes Day tuwing Nobyembre 30.

Matapos ang ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ibinalik ito ni dating Pangulong Elpidio Quirino sa huling Linggo ng Agosto.

Nilagdaan naman ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Republic Act No. 9492 na nagtatakda ng National Heroes Day tuwing huling Lunes ng Agosto.