Calendar
Metro
Mananaya sa Las Piñas nanalo ng P111M sa GrandLotto
Peoples Taliba Editor
Sep 6, 2023
533
Views
ISANG mananaya sa Las Piñas ang nanalo ng P111.03 milyong jackpot prize ng GrandLotto 6/55 sa bola noong Lunes, Setyembre 4.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nanalo ay tumaya sa BFRV, Las Piñas City.
Isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 55-50-06-45-12-40.
Tig-P100,000 naman ang tinamaan ng 16 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
Nanalo naman ng tig-P1,500 ang 970 mananaya na nakaapat na numero at tig-P60 naman ang 18,658 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kubrahin ang kanilang premyo.
NAWAWALANG ACCOUNTANT NAKITANG BANGKAY NA LUMULUTANG
Jul 12, 2026
Suspek sa panghahalay nahuli
Jul 11, 2026
Suspek sa paulit-ulit na panghahalay, nasakote
Jul 11, 2026
‘Boy Yabang’ nagpasikat ng baril sa kalye, pinosasan
Jul 11, 2026

