Nag-ahit, nakuryente, patay
Nov 24, 2024
3rd NLTEX ’24 ginanap sa La Union
Nov 24, 2024
Kabahayan sa Isla Puting Bato nasunog
Nov 24, 2024
Calendar
Gilgeous-Alexander: Hindi nagpa-awat para sa Canada. FIBA photo
Basketball
FIBA: SGA binuhat ang Canada kontra Slovenia
Robert Andaya
Sep 7, 2023
161
Views
NASAPAWAN ni Shai Gilgeous-Alexander ang kapwa NBA superstar na si Luka Doncic at pinayuko ng Canada ang Slovenia, 100-89, upang masungkit ang kanilang kauna-unahang ticket sa semis sa makulay na kasaysayan ng FIBA World Cup.
Nakatitiyak na din ang Canada ng kanilang pwesto sa pinakahihintay na 2024 Paris Olympics bilang isa sa top two teams mula America.
Haharapin ngayon ng Canada ang Serbia, na nagwagi laban sa Lithuania, 87-68, noong Martes sa semifinals para sa karapatan na lumaro sa championship laban sa mananalo sa sagupaan ng wala pang talong Germany at five-time champion United States sa Biyernes.
Tulad ng inaasahan, ang Canada-Slovenia game — na nilaro sa harap ng sellout crowd na 11, 720 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City — ang naging pinaka-kapanapanabik na sagupaan sa quarterfinal round na kung saan nagtuos ang dalawa sa mga pinaka magagaling na players mula NBA.
Nagpasiklab si Gilgeous-Alexander sa kanyang 31 points sa 8-of-21 shooting kasama ang 10 rebounds sa loob ng 36 minutes, habang si Doncic ay gumawa ng 26 points sa 8-of-20 clip, five assists at four rebounds bago itinapon sa laro dahil sa patuloy na pag-reklamo sa mga tawag ng referees higit sa anim na minuto pa bago matapos ang laro.
“It’s a big honor (reaching the semifinals). But we’re not satisfied with the win against Slovenia. We want to win the gold,” pahayag ni Gilgeous- Alexander, ang 6-6 NBA All Star mula sa Oklahoma City Thunder, matapos ang panalo.
“They played great, it was very physical. They have one of the best players in the world so it was really tough to guard him. But I’m proud of my team. We were close. Playing for your country, it’s a
lot of emotions. You wanna give your best, you wanna die out there,” sambit naman ni Doncic.
Naging malaking bahagi din ng panalo ng Canada sina New York Knicks guard RJ Barrett, na nag-ambag ng 24 points at nine assists, Dillon Brooks, na may 14 points, three rebounds at three assists; at Nickeil Alexander-Walker, na may 14 points at three rebounds.
Nakatuwang naman ni Doncic sina Klemen Prepelic at Zoran Dragic, na may 22 at 10 points para sa Slovenia, na umaasang makakapasok sa semis sa kaunaunahang pagkakataon simula makamit ang kanilang kalayaan noong 1991.
Tunay na naging kapanapanabik ang laro mula simula, na kung tabla sa 50-50 ang iskor sa halftime at umabot sa 18 ang mga lead changes at anim ang ties.
Nagsimulang lumayo ang Canada matapos magpakawala ng 19-5 bomb sa pangunguna nina Gilgeous-Alexander at Barrett.
Pinilit pa ng Slovenia na makabawi, na kung saan nagpakita ng kanyang patented step-back 3 si Doncic at nagdagdag ng dalawang free throws si Prepelic bago matapos ang third quarter.
Gayunman, hawak pa din ng Canada ang 80-71 lead sa pagsisimula ng fourth quarter.
Five straight points ni Barrett — isang three-point play at a driving layup– na sinundan pa ng dalawang free throws ni Gilgeous-Alexander ang nagbigay sa Canada ng 87-71 advantage sa huling 8:22 ng laro..
Isa pang three-point shot mula naman kay Brooks mula assist ni Kelly Olynyk ang lalo pang nagpalawig sa kalamanga ng Canada, 92-76 .
Matapos nito, halos magkasunod na itinapon sa laro sina Brooks at Doncic.
Hindi na nakabawi pa ang Slovenia mula dito.
“Congrats to team Canada, they have a great team, great players, great coach,” sabi ni Slovenia head coach Aleksander Sekulic.
“I’m proud of the guys, we faced a lot of problems and injuries. What they did, this is beyond amazing. I felt like the whole arena was cheering for us. There were a couple of guys who didn’t like us,
but what can we do,” dagdag pa niya.
The scores:
Canada (100) — Gilgeous-Alexander 31, Barrett 24, Brooks 14, Alexander-Walker 14, Dort 8, Olynyk 7, Alexander 2, Powell 0, Ejim 0.
Slovenia (89) — Doncic 26,K. Prepelic 22, Dragic 10, Nikolic 8, Tobey 8, Hrovat 7, Blazic 3, Cebasek 3, Dimic 2, B. Prelepic 0.
Quarterscores: 26-24, 50-50, 80-71, 100-89.
Pampanga nasungkit ang MPBL North title
Nov 13, 2024
St. Clare wala pa ding talo
Nov 11, 2024
Pilipinas Youth Dreamers sumabak sa Taipei
Nov 11, 2024
Pampanga winalis ang Nueva Ecija
Nov 1, 2024
San Juan balik sa MPBL finals
Nov 1, 2024
NAASCU: Saints hindi maawat
Oct 30, 2024
Quezon hindi nagpa-awat
Sep 6, 2024