BBM2

Biyahe ni PBBM sa ibang bansa nagbubunga na, planta ng Unilever binuksan

136 Views

PATULOY na inaani ng Pilipinas ang resulta ng biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Noong Biyernes ay pinasinayaan na ng Unilever ang kanilang New Beauty, Well-Being, and Personal Care Factory (BWPC) sa Cavite, na nakuha ng Pangulo sa kanyang biyahe sa Belgium noong Disyembre para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-European Union (EU) Summit.

“I would like to note that this major investment is amongst the pledges that we received during our trip to Belgium for the ASEAN-EU Summit last December,” ani Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa naturang event.

Naka-usap ni Pangulong Marcos sa naturang biyahe sa Belgium ang British multinational company na Unilever kung saan nangako ang mga opisyal ng kompanya na maglalagak ng P4.7 bilyong pamumuhunan sa Pilipinas.

Ang bagong planta ang gagawa ng mga produkto na hindi lamang ibebenta sa bansa kundi maging sa abroad. Aabot umano sa 90,000 tonelada ng iba’t ibang personal care products para sa buhok at balat ang kayang magawa ng naturang planta kada taon.

Sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang gobyerno upang mapaganda ang kalagayan ng mga Pilipino at ng bansa.

“To see this project come to fruition after just several months is not only encouraging, it also inspires me and the rest of the government to work even harder for the Filipino people,” sabi pa ni Pangulong Marcos.

Pinuri rin ng Pangulo ang Unilever Philippines sa kanilang pagtatayo ng high-technology at sustainability-driven manufacturing facility sa bansa.

“It is also worth mentioning that this plant is one of Unilever’s largest personal care facilities in the world and is expected to generate over 5,000 direct and indirect employment opportunities for our countrymen,” wika pa ng Pangulo.

“So, I extend my gratitude once again to Unilever for your continued trust and confidence in the Philippines and in the talent of the Filipino people… I also express my admiration for your commitment to expand your footprint and champion inclusivity and social responsibility by making products more accessible and affordable,” dagdag pa nito.

Kasama sa mga dumalo sa event sina Unilever Chairman at CEO Benjie Yap at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.