Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
P5.4M Ecstasy tablets nasabat ng BOC
Peoples Taliba Editor
Mar 1, 2022
934
Views
NASABAT ng Bureau of Customs-Port of Clark ang tinatayang P5.4 milyong halaga ng Ecstasy tablets na mula sa Brussels, Belgium.
Isinalang umano sa x-ray scanning ang package at doon nakita ang kahina-hinalang bagay na nakatago sa takip ng karton. Ang package ay idineklarang naglalaman ng speaker.
Nang isailalim sa physical examination ay nasa loob ang isang JBL Bass Booster Speaker at apat na plastik na isiniksik sa gilid ng karton. Naglalaman ang mga plastik ng 3,215 tableta na iba’t iba ang hugis at sukat.
Sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nakumpirma na Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o Ecstasy ang mga tableta.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026
Himas-boga nauwi sa himas-selda
Nov 26, 2026

