Ryza Larawan: Ryza Cenon/IG

Ryza Cenon naiyak dahil 3-y/o na ang anak

250 Views

NAIYAK ang proud mom na si Ryza Cenon matapos hindi makapaniwala na 3-year-old na ang kanyang anak na si Night Cruz.

“Happy 3rd Birthday, Night!!!!! Nakakaiyak ang bilis!! Parang kailan lang nag pictorial tayo para sa first birthday mo. Ngayon 3 years old ka na,” caption ng aktres sa kanyang IG post, Martes, Oktubre 31.

Dagdag pa ng “Ikaanim na Utos” star, sinisigurado niya umanong isang daang porsyento ang ibibigay niyang pagmamahal at suporta sa kanyang baby boy.

Aniya, “Haaay… anak, lagi mong tatandaan love na love ka namin ni Dada @miguel.antonio.cruz. Andito lang kami para sa’yo. Enjoy your day! I love you anak @iamnightcruz.”

Si Night Cruz ay unang anak ng aktres sa kanyang long-time at non-showbiz partner na si Miguel Cruz.