Lolit

Lolit Solis gusto nang sukuan pagpapa-dialysis

218 Views

NAHIHIRAPAN na raw ang katawan ng beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis sa pabalik-balik niya sa ospital para magpa-dialysis.

Sa kanyang Instagram page, nabanggit na dalawang taon na niya itong ginagawa pero parang hindi pa rin niya tanggap na ganito ang kanyang kalagayan at tila tinatamad na sa paulit-ulit na mga procedures.

Sey naman niya na masuwerte pa rin siya na nagagawa niya ang kanyang trabaho sa kabila ng kanyang kondisyon.

“Salve naloka ako dahil talagang hindi ko matanggap na 2 Christmas na ako nagda dialysis. Lucky me na nagagawa ko parin trabaho ko at hindi naman masyado nabago buhay ko except at times na medyo naiinis na ako at natatamad na sa medical procedures,” saad ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.

Kuwento pa niya na hindi man daw niya nais na sumuko, pero mas parang mauunang sumuko ang kanyang katawan dahil sa pagod.

“Saka hoping na lang ako na hindi mawala iyon motivation ko pag pumupunta sa hospital. I don’t want to give up pero parang pagod na katawan ko. Siyempre 77 na ako at hindi na kasing energetic ng dati katawan ko,” pagpapatuloy ng showbiz columnist.

“Talagang ang hirap ng reality na kailangan mo magpunta sa hospital para sa 4 na oras na pag upo sa dialysis chair. Iniisip ko na lang na mas lalo siguro down feeling ng mga walang maibayad sa dialysis,” dagdag pa niya.