katrina Larawan mula sa IG/@katrina_halili

Katrina Halili mas bet alagaan ‘ibon’ kaysa baby

180 Views

MAS nanaisin na lang daw ng aktres na si Katrina Halili na mag-alaga ng mga ibon kaysa magkaroon muli ng anak.

Sa pakikipanayam ng King of Talk na si Boy Abunda kasama ang celebrity mom, hindi na raw bet ni Katrina na muling magka-baby.

“Ayoko na. Puro birds ako ngayon. Birds yung alaga ko. Ayoko na magka-baby,” wika ng aktres.

Mahirap daw para sa kanya na magkaroon muli ng anak dahil nakatutok siya ngayon sa anak na si Katie.

Saludo rin ang aktres sa mga inang kinakayang magkaroon ng maraming anak.

“Hindi ko kaya. Mahirap. Saludo na lang ako sa mga mommies na maraming baby,” saad ni Katrina.

Matatandaang mayroong autism spectrum disorder ang kanyang anak na babae dahilan para hindi siya kumuha ng maraming proyekto kada taon upang matutukan ang pag-aalaga sa anak.

“Sabi ng doctor, kailangan ko na siyang tutukan hanggang mag-12 kasi baka lumala, pero nasa mild lang naman po siya,” sey ng aktres.