Carla Larawan mula sa IG/@carlangeline

Carla may payo sa kababaihan: ‘Don’t lose, respect yourself’

144 Views

MAY sey ang aktres na si Carla Abellana para sa kanyang mga kapwa babae na nasa hindi magandang relasyon.

Sa panayam kasama ang journalist na si Karen Davila, hiningian ng payo si Carla patungkol sa mga babaeng nasa bad relationships.

“May mga babae nakikinig ngayon, they’re staying in bad relationships, sinasaktan sila, paulit-ulit na unfaithful ang boyfriend o asawa nila, anong advice mo sa kanila?” saad ni Karen kay Carla.

“I guess my only advice is make sure you don’t lose yourself and you respect yourself pa din. Don’t forget yourself,” wika naman ntg aktres.

“It always comes to a point when enough is enough, so hopefully they know kung hanggang kailan nila kaya,” dagdag pa niya.

Matatandaang nitong nakaraang taon, nakipaghiwalay si Carla sa kanyang husband of three months na si Tom Rodriguez.

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang du’n lang po makakabangon din po ako balang araw,” sey ng aktres sa hiwalayan nila ni Tom.