Ivana

Ivana Alawi binuking ang love life: ‘I’m seeing someone’

267 Views

MASAYA raw ngayon sa kanyang love life ang actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Sa vlog kasama ang aktress na si Bea Alonzo, inusisa nila ang kani-kanilang love life. Alam naman ng lahat na ikakasal na si Bea sa kanyang fiance at aktor na si Dominic Roque, kaya ang naging sentro ng tanong ay kay Ivana.

“I’m seeing someone,” sey ng ‘Batang Quiapo’ actress.

“So ‘yun, I’m happy. My heart is happy,” dagdag pa niya.

Samantala, nilinaw din ni Ivana sa naturang vlog na nais niyang maging pribado muna ang love life niya ngayon.

“‘Yun ‘yung fear ko kaya ayaw kong mag-reveal, like kunyari may boyfriend, ayokong mag-post,” wika ng vlogger-actress.

“Kasi grabe, ‘yung mga comments nila akala mo kilala ka nila ‘di ba? ‘Yung pinagdadaanan mo. And I don’t blame them kasi in-open mo eh, nasa social media ‘yan eh. Parang nasa kanila ‘yon to consume,” pahayag naman ni Bea.