Martin

100K target matulungan ng BPSF sa Iloilo

139 Views

NAKARATING na rin sa Iloilo ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), ang programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na naglalayong ilapit sa publiko ang mga serbisyo ng gobyerno.

Ang caravan ay inilungsad sa tulong nina Iloilo Gov. Arthur Defensor at Iloilo Reps. Janette Garin, Ferjenel Biron, Jam Baronda, Michael Gorriceta, Lorenz Defensor at Raul Tupas.

Maliban sa Biliran, una nang bumisita ang BPSF sa Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte, Laguna, Bukidnon, at Isabela.

Sa Iloilo, nasa 51 ahensya ng pamahalaan ang nagdala ng may 160 serbisyo at programa gaya ng social services, financial assistance at regulatory function

Kabilang din dito ang “ayuda” o financial grants ng ilang mga ahensya gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Dalawa ang layunin ang BPSF, una ay ang ilapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno at itaas ang kamalayan ng publiko kaugnay ng mga programa ng gobyerno, at isulong ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Ilonggo.

“This initiative reflects the House of Representatives’ commitment to actively contribute to the President’s directives and play a vital role in shaping a Bagong Pilipinas,” ani Speaker Romualdez.

Magkakaroon din ng Pasasalamat Concert sa unang gabi ng serbisyo caravan na idaraos sa Guimbal National High School Track and Field Oval.

Nasa 10,000 katao ang inaasahang manonood sa libreng concert.

Ayon kay Romualdez, nais nilang madala ang Serbisyo Caravan sa lahat ng 82 probinsya sa buong bansa na inaasahang makakabenepisyo ng 2 milyong indibidwal.