Martin1

Pagdalo ni PBBM sa Tokyo Summit mahalaga para sa kapayapaan, pag-unlad ng PH—Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Dec 16, 2023
122 Views

BINIGYANG-DIIN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan sa Pilipinas ng paglahok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinasagawang Commemorative Summit ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation, na nakatakda sa Disyembre 15-18 sa Tokyo, Japan.

“President Marcos’s presence at this landmark event is a powerful symbol of the Philippines’ unwavering commitment to strengthening its ties with Japan and further elevating our collective partnership within the ASEAN bloc,” saad ni Speaker Romualdez

“This golden anniversary presents a unique opportunity to not only celebrate past achievements but also chart a brighter, more prosperous future for our region,” dagdag ng lider ng Kamara na may mahigit 300 mambabatas.

Positibo si Speaker Romualdez, bahagi ng opisyal na delegasyon ng bansa sa Tokyo Summit, na gaganap ng isang mahalagang papel si Pangulong Marcos sa mga mahahalagang talakayan sa mga pangunahing isyu sa rehiyon, kabilang ang pinahusay na kooperasyong pang-ekonomiya ng Japan at Pilipinas.

Aniya bibigyang importansya ni Pangulong Marcos ang pagpapaunlad ng imprastraktura, renewable energy, at digital transformation ay naaayon sa kadalubhasaan, at strategic investment ng Japan sa rehiyon.

Magbibigay din umano ang naturang pagpupulong ng pagkakataon para maisulong ang pinahusay na maritime at security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, lalo na sa pagpapaunlad ng katatagan ng rehiyon at pagtugon sa mga maritime challenges na kinakaharap ng ating bansa sa West Philippine Sea, ayon kay Romualdez.

Tinukoy pa nito na ang tagumpay ng mga programa tulad ng Japan-East Asia Network of Exchange for Students and Youths (JENESYS) Program, ay patotoo na ang naturang summit ang perpektong lugar para sa paglalatag ng mga plataporma upang palakasin ang people-to-people linkages at cultural exchange sa pagitan ng ASEAN at Japan.

“Our shared history, cultural ties, and common aspirations for a peaceful and prosperous region form a strong foundation for this partnership,” diin ni Speaker Romualdez

“President Marcos’s presence at the summit signifies the Philippines’ readiness to actively engage in charting a path towards a more vibrant and united ASEAN-Japan community.”

Kumpiyansa si Romualdez na ang malalim na pananaw ng Pangulo at hindi natitinag na pangako sa kooperasyong panrehiyon ay magbibigay-daan para sa mga konkretong hakbangin at magreresulta sa mga kasunduan na pakikinabangan hindi lamang ng Pilipinas at Japan kundi lahat ng miyembrong estado ng ASEAN.

“This golden anniversary summit carries immense potential to redefine the ASEAN-Japan relationship and usher in a new era of progress and prosperity for all. With President Marcos at the helm, we are confident that the Philippines will play a central role in making this vision a reality,” sabi pa ni Speaker Romualdez

Sa kanyang talumpati bago umalis, sinabi ni Pangulong Marcos na sisiguruhin nito sa mga ASEAN Member States at Japan na bilang permanent coordinator sa ASEAN-Japan Economic Relations, patuloy na itutulak ng Pilipinas ang mga inisyatiba at proyekto sa ASEAN at Japan.