Palasyo pumabor sa paggamit ng nuklear para madagdagan suplay ng kuryente

457 Views

ISANG Executive Order ang inilabas ng Malacañang upang magamit ang nuclear power bilang pagkukunan ng dagdag na suplay ng kuryente.

Binigyan-diin sa EO 164 ang pangangailangan na madagdagan ang suplay ng kuryente na magiging mahalaga sa pag-abot sa target na paglago ng bansa.

“The national government commits to the introduction of nuclear power energy into the state’s energy mix for power generation. The state will ensure the peaceful use of nuclear technology anchored on critical tenets of public safety, national security, energy self­-sufficiency, and environmental sustainability,” saad ng EO.

Sa pagtataya ng mga ahensya ng gobyerno, lalago ng 4.4% ang kada taon ang kinakailangang suplay ng bansa o kakailanganin ng halos 68 gigawatts dagdag na kapasidad hanggang sa 2040.

Paubos na rin umano ang pinagkukuhanan ng natural gas na ginagamit ng maraming planta ng kuryente.

“Nuclear power can contribute effectively to the mitigation of greenhouse gas (GHG) emissions, and has strong potential to decarbonize the power sector,” ayon sa EO.