Ferdinand R. Marcos Jr.

Marcos pinagmalaki: Wala nang aktibong NPA guerilla front sa PH

Chona Yu Jan 13, 2024
109 Views

IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala nang aktibong guerilla front ang New People’s Army sa bansa.

Sa video statement ni Pangulong Marcos, sinabi nito na base sa talaan noong Disyembre 2023, napuksa na ng pamahalaan ang guerilla front.

“Last year, nakapag-neutralize tayo ng 1,399 members of communist and local terrorist groups. Nakakuha tayo ng 1,751 firearms, na baril, through capture, recovery, at sa mga surrender,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ngayon, maaari na nating mai-report na wala ng active NPA guerilla front as of December 2023. Kaya patuloy nating ipaglalaban ito. Maganda naman ang performance ng ating AFP. Maganda naman ang performance ng ating mga pulis at maganda ang koordinasyon ng SND, ng Department of National Defense, lahat ng ating intelligence agencies. Sila nagtutulungan kaya naman naging matagumpay ang ating kampanya kontra sa internal terrorism,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kumpiyansa si Pangulong Marcos na patuloy na mapagtatagumpayan ng pamahalaan ang paglaban sa rebeldeng grupo.