BBM

Ayon sa Kalye Survey: BBM bagyo sa ‘enemy’ balwarte!

302 Views

KAHIT sa tinatawag na balwarte ng mga katunggali ay nakakukuha ng malaking boto si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., patunay na lalo pang lumalakas ang tsansa niya at ang running-mate na si Inday Sara Duterte na magwagi sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.

“With 67 days before the elections, other candidates are losing preferences in their regions to Senator Bongbong Marcos and Mayor Inday Sara by huge margins, either by scientific surveys or through our own Kalye Survey summaries. Any deviation from all these numbers would be highly dubious at this point,” sabi ng SPLAT Communications na siyang gumagawa ng analytics ng Kalye Survey.

Sa pinakabagong kabuuang tala ng survey ng Pulso ng Pilipinas na isinagawa noong Pebrero 24, tuloy ang malaking kalamangan ni Marcos sa ‘regional clusters’ sa Luzon na labas sa balwarte niyang North at Central Luzon.

Nakakuha rito si Marcos ng 45.67 porsiyento na katumbas ng 15,365 sa 33,646 respondents.

Ipinaliwanag ng SPLAT Communications ang mga cluster sa Balance of Luzon ay binubuo ng CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Region.

Si Leni Robredo na taga-Bicol ay malayong pangalawa kay Marcos sa botong nakuha na 6,578 o 19.55 porsiyento.

Si Isko Moreno na pangatlo ay may 3,041 o 9.04 porsiyento. Pang-apat si Manny Pacquiao sa 2,073 na boto o 6.16 porsiyento at Ping Lacson na panglima ay may 984 boto o 2.92 porsiyento lang.

Medyo mataas naman ang undecided na naitalang 16.66 porsiyento.

Sa kabuuang bilang kada rehiyon, si Leni ay nakalamang ng bahagya kay Marcos sa Bicol mula sa nakuha nitong 4,159 o 49.02 porsiyento ng 8,466 respondents; habang si Marcos ay may 2,021 o 23.87 porsiyento naman.

Gayunpaman, una uli si Marcos sa dalawa pang cluster na CALABARZON at MIMAROPA.

Si Marcos ay may 11,816 o 55.86 porsiyento mula sa kabuuang 21,152 respondents sa CALABARZON; mayroon naman siyang 1,528 boto o 37.93 % mula sa 4,028 respondents sa MIMAROPA.

Sa kabilang dako, si Robredo ay nakakuha lamang ng 2,030 o 9.60% sa CALABARZON; at bumagsak siya sa rank three sa MIMAROPA mula sa nakuhang 398 o 9.88 p%.

Si Isko ang pangalawa rito na may 405 votes o 10.06 %.

“If there is one cluster of regions that VP Leni is expecting much-needed votes for her, this is it as this cluster contains her known bailiwick, the Bicol Region,” sabi pa sa analysis ng SPLAT.

“However, based on the data that was just presented, no large-scale support is coming … It does not take to be a mathematician or statistician to know that there is simply no way for her to even be just at par with the strength of the North and Central Luzon figures of BBM,” sabi pa nila.

Muling binigyang-diin ng SPLAT na ang resulta ng Kalye Survey sa Luzon ay nagpapatunay sa kamakailan lamang na “scientific survey result” sa patuloy pa ding pamamayagpag ni Marcos sa iba pang rehiyon ng bansa.